Dumarami ang listahan ng mga unibersidad na nagpapakita ng suporta sa 2022 presidential bid ni Vice President Leni Robredo kabilang na ang San Beda University sa Maynila.
Sa isang Facebook post. ibinahagi ng SBU-Manila nitong Huwebes, Disyembe 2, ang larawan ng unibersidad na may iniliawan ng kulay pink noong Miyerkules ng gabi, Disyembre 1.
Ayon sa The Bedan, sinabi ni SBU Vice President for Administration Fr. Aelred Nilo, OSB, na ang Bedan Community ay "“one in support of VP Leni’s presidential bid, believing that she embodies the Benedictine ideals of pax, ora et labora and the genuine servant-leadership qualities that the Filipino nation is yearning for especially during this troubled time.”
Pink ang kulay nauugnay kay Robredo simula nang ianunsyo niya ang kanyang presidential bid sa susunod na taon.
Bukod sa SBU, nagpailaw rin ng kulay pink sa kanilang gusali angAdamson University (AdU), the University of Santo Tomas (UST), Universidad de Sta. Isabel (USI) and Ateneo de Naga University (AdNU)upang magpakita ng suporta kay Robredo.
Ang "Kakampink" ay mula sa salitang "kakampi" at pink, na campaign color ni Robredo.
Merlina Malipot