Pansamantala munang itinigil ng gobyerno ang pagpapadala ng mga household workers sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil sa naiulat na pang-aabuso sa mga ito.

Sa isinagawang virtual na public briefing nitong Huwebes, Disyembre 2, inihayag niPhilippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, iniutos ng DOLE na ihinto muna ang proseso ng mga employment contracts ng mga bagong tanggap na domestic workers.

Layunin aniya nito na maiwasan ang mga kaso ng pisikal na pang-aabuso sa mga Filipino migrant workers sa Saudi.

“Ito pong kautusan na ito ni [DOLE] Secretary Silvestre Bello III ay upang repasuhin ang verification guidelines ng mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa Saudi Arabia," aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakapaloob aniya ang kautusan sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 25 na nag-uutos sa POEA na maglabag ng panibagong employment guidelines upang mailigtas pa ang mga overseasFilipino workers (OFWs) na maipadala sa mga abusadong foreign employers.

Ibinaba ni Bello ang kautusan nang makatanggap ng ulat na nakapag-hire pa rin ng OFWs ang isang retiradong military general sa Saudi kahit nasa blacklisted na ito dahil sa reklamong pang-aabuso.

“Na-circumvent nila ang verification rules natin at nakita natin ang gap na iyon kaya kailangang baguhin ang verification rules upang hindi na maulit ang pang-aabuso ng employer," ayon pa kay Olalia.

Alexandria San Juan