Inaprubahan ng national government ang boluntaryong pagpapalawig ng national vaccination ng dalawa pang araw matapos maobserbahan ng mga local officials ang pagdagsa ng mga tao sa inoculation sites sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Mula sa orihinal na pagtatapos ng national vaccination day noong Miyerkules, Disyembre 1, sinabi ng National Task Force Against COVID-19, na ang pagbabakuna ay pinalawig hanggang Biyernes, Disyembre 3. 

Nagsimula ang national vaccination days noong Nobyembre 29.

Sinabi ni Secretary Vince Dizon, deputy chief implementer ng NTF Against COVID-19, na ang naturang desisyon ay mula sa kahilingan ng ilang local government units (LGU) na magkaroon ng mas maraming oras para makapagbakuna.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The National Vaccination Operations Center (NVOC) has received requests from several Local Government Units (LGUs) requesting for extension of the National COVID-19 Days as large number of vaccine recipients are still flocking in vaccination sites,” ani Dizon.

Samantala, nasa mahigit limang milyong Pilipino na ang nakabukanahan sa unang dalawang araw ng 3-day national vaccination drive.

Aaron Recuenco