Pinuri ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Huwebes, Disyembre 2, si Pangulong Duterte sa pagdaraos ng tatlong araw na National Vaccination drive.

“Eto namang katagumpayan ng ating bansa pinagpapasalamat din natin ‘yung bagong policy direction ni President Duterte wherein hinikayat niya ang mga lokal na pamahalaan na matagumpay na mabakunahan ang kani-kanilang mamamayan na sumali sa National Vaccination Days," ani Domagoso sa kanyang panayam sa mga mamamahayag sa Mabalacat, Pampanga.

Dagdag pa niya, maraming Pilipino ang mababakunahan bago matapos ang taon kung magpapatuloy ang vaccination drive.

“As you can see, the data shown to us, with the concerted effort of all government units through the leadership of President Duterte and IATF (Inter-Agency Task Force), the other day is about 2.4 million ang nabakunahan. Yesterday, 2.2 million. So just imagine if we are doing this every single day, by the end of the year, baka madali na natin ang lahat. Everyone now is protected. May panlaban na tayo sa COVID-19," ayon pa kay Domagoso.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Tiniyak din ni Domagoso na patuloy na susuporahan ng pamahalaang lungsod ang kampanya ni Pangulong Duterte na sugpuin ang nakamamatay na virus.

Pinasalamatan din niya ang Manila Health Department sa kontribusyon nito sa paglaban ng lungsod sa COVID-19.

“And I would like to at least give credit to my director of Manila Health Department. Sa buong NCR kami ang may pinakamalaking kontribusyon ngayon dahil sa effort ng aming mga doctor. Dito man lang mapasalamatan ko sila na ‘yung pagmamalasakitan sa isat-isa eh nangyayari lalo na sa pandemya," anang alkalde.

 Nagpaabot din ng pasasalamat ang presidential aspirant sa mga local officials at mga mamamayan ng Mabalacat sa mainit na pagtanggap sa kanya at ng kanyang partido sa kanilang pagbisita.

Binisita ni Domagoso, kasama ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong, at Aksyon Demokratiko senatorial slate, ang bayan ng Mabalacat bilang bahagi ng kanyang "Listening Tour."

Jaleen Ramos