Hinimok si Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno nitong Huwebes na palakasin ang COVID-19 vaccination programs para sa mga menor de edad at mga guro sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Binigyang-diin ni Gatchalian na idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Omicron bilang variant of concern noong Nobyembre 26. Sa mga paunang pag-aaral, iminumungkahi na ito ay magdudulot ng mas malaking tiyansa ng reinfection, ngunit hindi pa rin malinaw kung ito ba ay mas nakahahawa kumpara sa iba pang mga variants, kabilang ang Delta.

Sinabi rin ng senador na ang pagbabakuna sa mga guro at mga estudyante ay matitiyak ang kanilang proteksyon at mapapanatili ang kumpiyansa habang pinaplano ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na dagdagan ang bilang ng mga isasaling eskuwelahan sa pilot implementation ng limited in-person classes.

“Dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19, dapat nating paigtingin ang pagbabakuna sa mga guro at mga kabataan, lalo na’t ngayon pa lang sila unti-unting nakakabalik sa kanilang mga paaralan," ayon sa pahayag ni Gatchalian.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“Kung mababakunahan natin ang lahat ng mga guro at mga mag-aaral ay mas matitiyak natin ang kanilang kaligtasan at mapapanatili natin ang kanilang kumpiyansa," aniya pa.

Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na kinukonsidera nila ang karagdagang 177 na eskuwelahan na lalahok sa pilot implementation ng in-person classes. At hindi bababa sa 28 na eskuwelahan sa Metro Manila ang inaasahang lalahok a pilot face-to-face classes sa Disyembre 6.

Samantala, mananatili ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.