Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na simula Biyernes, Disyembre 3, ay sisimulan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng COVID-19 booster shots sa lahat ng fully vaccinated adults.
“Those who have completed their primary series of COVID-19 vaccines can be inoculated with the following brands regardless of which vaccines taken in the first two doses,” anang DOH sa kanilang Facebook post.
Ang mga brand ng bakuna na maaaring ipaturok ng mga adults para sa kanilang booster shots ay ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik, at Janssen.
Maglalabas ang National Vaccination Operations Center (NVOC) ng operational guidelines hinggil sa implementasyon nito, ayon sa DOH.
Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ay nagtuturok na ng boosters para sa indibidwal na sakop ng A1 category (frontline healthcare workers), A2 (senior citizens) at A3 (adults with comorbidities).
Mary Ann Santiago