Patay na si Joel Nuezca, ang dating pulis na nahatulan ng korte ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa isang mag-ina sa Tarlac noong 2020, matapos umanong mag-collapse sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Nobyembre 30 ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclag at sinabing namatay si Nuezca sa NBP Hospital dakong 6:44 ng gabi.

“He (Nuesca) was brought unconscious to the NBP Hospital by his cell mates at 6:30 p.m. yesterday (Nov. 30, 2021) when they noticed that he collapsed while walking outside the dormitory building,” aniya pa.

Matatandaang nahatulan ng double life imprisonment si Nuezca ng Paniqui Regional Trial Court nitong nakaraang Agosto 26 nang patayin nito ang kapitbahay na mag-inang sina Sonia Gregorio, 53, at Frank Anthony, 25, sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre ng nakaraang taon.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Idinagdag pa ni Chaclag na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente ng pagkamatay ni Nuezca.

Jeffrey Damicog