Panibagong disqualification case ang inihain ng Akbayan Partylist, gayundin ang iba't ibang sectoral leaders at Martial law victims sa Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes, Disyembre 2 laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Photo: Noel B. Pabalate/MB

Sa isang 13-pahinang petisyon, sinabi ng mga petitioner na si Marcos Jr. ay "magpakailanman" pinagbawalang kumandidato para sa public office dahil sa kanyang 1995 tax evasion conviction. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi rin ng mga respondent na nahatulan si Marcos Jr ng mga krimeng may kinilaman sa moral turpitude at pinatawan din ng parusang pagkakulong ng higit sa 18 buwan.

Photo: Noel B. Pabalate/MB

Binanggit nila ang desisyon ng Korte Suprema noong 2012 sa Comelec case ng Jalojos, Jr. vs Comelec, na nagsasabing sinabi ng Korte Suprema na ang election body ay nagtataglay ng tungkulin na pigilan ang mga kandidatong palaging nadi-disqualify, tulad ni Marcos Jr., na ilang ulit nang tumatakbo para sa puwesto sa gobyerno.

“To allow the Comelec to wait for a person to file a petition to cancel the certificate of candidacy of one suffering from perpetual special disqualification will result in the anomaly that these cases so grotesquely exemplify. The Comelec will be grossly remiss in its constitutional duty to ‘enforce and administer all laws’ relating to the conduct of elections if it does not motu proprio bar from running for public office those suffering from perpetual special disqualification by virtue of a final judgment."

Iginiit din ng mga petitioner na ang perpetual disqualification ni Marcos Jr. sa paghawak ng anumang pampublikong katungkulan, pagboto, at paglahok sa anumang halalan ay bunsod ng paglabag nito sa National Internal Revenue Code of 1977 na inamiyendahan ng Presidential Decree No. 1994.

Binigyang-diin din nila ang Omnibus Election Code na nagsasabing kung sinuman ang nakulong ng mahigit 18 buwan sa pamamagitan ng final conviction para sa krimen ay dapat madiskwalipika bilang kandidato o humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Photo: Noel B. Pabalate/MB

Kabilang sa mga nagsampa ng petisyon sina AKbayan First Nominee Percival Cendaña, former Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales, Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit, women leader Jean Enriquez of the Coalition Against Trafficking in Women (CATW-Asia Pacific), at labor leader Nice Coronacion ng Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO).

Ayon sa Akbayan, sumali rin sa petisyon ang Martial law victim-survivor na si Doris Nuval ng Claimants 1081, isang organisasyon na nanalo sa isang human rights class suit laban sa yumaong diktador na si dating pangulong Ferdinand Marcos sa Hawaii noong 1986. 

Dhel Nazario