Nakauwi na rin sa bansa ang anim na mangingisdang na stranded sa karagatan ng China sa loob ng pitong buwan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang sa anim na mangingisda sinaLeo Magarso, Ronald Abiva Cobico, Bernardino Angelo, Romeo Ferrer, Israel Kiblare, at Diovane Baroca.

Sinabi ng DFA na nakikipagtulungan sila saDFA at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang maayos naman ang dokumento ng 23 pang mangingisdang Pinoy na natengga pa rin sa Fujian province dahil sa problema sa kanilang pinapasukang fishing company.

Tiniyak pa ng ahensya na makauuwi ang mga ito sa lalong madaling panahon upang makapiling ang kanilang pamilya matapos mangako ang may-ari ng kumpanya na tutulong sila upang maresolba ang usapin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ariel Fernandez