Inaasahan na makakatanggap ang Bureau of Corrections (BuCor) ng 30,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 hanggang Disyembre 5 para sa persons deprived of liberty (PDLs). 

Sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra nitong Huwebes, Disyembre 2, na tiniyak sa kanya ni Secretary Carlito Galvez Jr., head ng National Task Force (NTF) against COVID-19, ang paghahatid ng mga bakuna.

“At least 30,000 vaccine doses have been allocated for PDLs under BuCor’s jurisdiction. These vaccines will be farmed out to the various prison facilities of the BuCor,” aniya pa.

Ibinunyag ng BuCor na noong Nob.19, may kabuuang 37,513 sa 48,539 PDLs sa seven operating prisons and penal farms (OPPF) ang bakunado na laban sa COVID-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa mga nabakunahan, 9,359 PDLs ang fully vaccinated, habang 28,286 ang nakatanggap ng first dose, ayon sa BuCor.

Sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, 22,134 PDLs ang bakunado na, Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, 3,100; the Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, 790; San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, 1,716; Leyte Regional Prison (LRP), 1,946; Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte, 6,122; at Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan, 1,705.

Jeffrey Damicog