Pawang negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong dayuhang nanggaling sa South Africa kung saan nadiskubre ang unang kaso ng Omicron variant, ayon sa Negros Occidental government nitong Huwebes.

Ito ang paglilinaw ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na ang tinutukoy ay ang tatlong South African na nagtatrabaho sa isang power company sa lalawigan.

Dalawa aniya sa mga ito ay dumating sa bansa nitong Nobyembre 24 habang ang isa pa ay dumating nitong Nobyembre 26 at agad silang dumiretso sa nabanggit na probinsya.

Pagdidiin ng gobernador, pumasok sa Pilipinas ang tatlo bago pa maipatupad ng gobyerno ang travel ban sa South Africa.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Sumasailalim aniya sa 14-day quarantine ang mga ito sa lalawigan.

Idinahilan naman ni Bureau of Quarantine (BOQ) Deputy Director Roberto Salvador, Jr. na nagbabantay pa rin sila

dahil wala pa silang nakikitang sintomas ng COVID-19 sa mga ito.