Dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant, Omicron, nagsimula nang maghigpit ang Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) ng Pangasinan sa mga dalampasigan na dinadaanan ng mga sasakyang pandagat mula sa ibang bansa.
Sa isang interbyu sa radyo, sinabi ni Provincial Health Office (PHO) chief, Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman na dumadaong ang ilang sasakyang pandagat mula sa ibang bansa sa mga dalampasigan ng Pangasinan para mag-refill ng mga pangangailangan tulad ng pagkain at inumin.
“We are tightening border control checkpoints particularly to these coastal areas such as Sual town where foreign come and go to unload coal in the power plant, as well as in Infanta and Dasol towns where they pass through,” ani de Guzman.
Ang implementasyong ng mas mahigpit na pagbabantay ay nagsimula matapos ang pag-uusap ng technical working group ng Provincial IATF noong Lunes, Nobyembre 29.
Nilinaw naman ni de Guzman na wala pang utos mula kay Gobernador Amado Espino na kinakailangan ng Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) para sa mga dumadaong.
Aniya, “What they check at the borders are vaccination cards and government-issued identification cards."
Hinikayat naman ni de Guzman na magpabakuna ang mga mamamayan ng Pangasinan upang maabot na nito ang target herd immunity.
“We are averaging at 2,000 to 3,000 vaccines administered daily in connection to the national vaccination days. We are almost at 70 percent for the first dose while the local government units will continue to inoculate as much as possible even after the national vaccination days since the Department of Health has assured us that Pangasinan will have sufficient vaccines for the residents,” ani de Guzman.
Dagdag pa niya, sapat ang supply ng mga kagamitan sa pagbabakuna.
Samantala, naniniwala si de Guzman na kinakailangan pa rin manatili sa Alert Level 2 ng lalawigan dahil sa banta ng bagong variant.