Inaprubahan ng House of Representatives sa huling pagbasa ang panukalang batas na tumaas sa 50 percent mula sa 40 percent na bahagi ng lokal na pamahalaan sa national taxes.

Sa 175 na boto pabor sa batas at walang pagtutol, naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10296 nitong Lunes, Nob. 29.

Pinagsama-sama ng HB 10296 ang ilang panukalang batas na inakda ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Luis Raymond “LRay” Villafuerte, bukod sa iba pa.

Tinataasan ng HB 10296 ang kasalukuyang bahagi ng LGUs sa mga national taxes sa pamamagitan ng pagbabago sa kasalukuyang pagbabalangkas ng Internal Revenue Allotment (IRA). Kaya naman, iminungkahi nitong amyendahan ang Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Naglalaan din ito ng pagsasama ng lahat ng porma ng pambansang buwis sa pagkalkula ng IRA upang matiyak ang mas mahusay na mga serbisyo at paglikha ng mas maraming proyektong pangkaunlaran ng LGUs.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang IRA ay makikilala rin bilang National Tax Allotment.

Nakasaad din sa panukalang batas na sa mga kaso kapag ang pambansang pamahalaan ay nagkakaroon ng public sector deficit, ang pangulo, sa ilalim ng rekomendasyon ng Secretaries of Finance, ng Interior and Local Government at ng Budget and Management, ay gagawa ng mga kinakailangang adjustments sa NTA.

Ang pagbabawas ng NTA sa panahon ng mga naturang mga sitwasyon ay maaari lang gawin sa konsultasyon ng Kongreso.

Gayunpaman, sa anumang pagkakataon ay dapat pahintulutan ang pangulo na bawasan ang NTA sa mas mababa sa 30 percent ng koleksyon ng mga buwis sa third fiscal year bago ang kasalukuyang fiscal year.

Dagdag pa, itinatakda ng mga panukalang batas na sa unang taon ng bisa ngito, ang mga LGU, bilang karagdagan sa 30 percent NTA ay dapat isama ang devolved functions para sa mahahalagang serbisyo.

Gayunpaman, ang mga LGU ay may karapatan na makatanggap ng halagang katumbas ng halaga ng mga devolved personal services.

Sa paghahain ng panukalang batas, binanggit ni Rodriguez ang Supreme Ruling sa Mandanas vs Executive Secretary na nagdeklarang labag sa Konstitusyonang pariralang ‘internal revenue’ na tinukoy sa Section 284 ng RA 7160.

“It basically ruled that all references to ‘internal revenue’ in connection with the computation of the Internal REvenue Allotment (IRA) is unconstitutional and the ruling, therefore, widened the base amounts for the computation of the IRA,” paliwanag ni Rodriguez.

Ben Rosario