Arestado ng National Bureau of Investigastion (NBI) sa Bantay, Ilocos Sur ang isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtatangkangmangikil ng halagang P150,000 sa isang babaeng negosyante.

Kinilala ang suspek na si Cynthia G. Nones na naaresto sa isinagawang entrapment operation nitong Nob. 19 sa Vigan District Office (NBI-VDO) ng BIR.

Matapos arestuhin, iniharap si Nones para sa inquest sa Ilocos Sur Provincial Prosecutors Office sa direct robbery sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code; paglabag sa Seksyon 269 (d) ng Republic Act (RA) 8424, ang Tax Reform Act of 1997; paglabag sa Seksyon 7 (d) ng RA 6713, ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers; paglabag sa Seksyon 3 (b) o RA 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; robbery with indimidation gaya ng tinukoy at pinaparusahan sa ilalim ng Article 293 ng RPC; at administratibong reklamo para sa grave misconduct sa ilalim ng Civil Service Law.

Ang babaeng negosyante mismo ang humingi ng tulong NBI at siya rin mismo ang nagsampa ng reklamo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ng NBI na “ipinaalam ni Nones sa nagrereklamo ang kanyang assessed tax liability na P300,000 sa loob ng isang tax period.”

“The complainant then asked for a breakdown of her tax assessment, which showed that her tax liability is only P150,000 instead of P300,000,” dagdag na paglalahad ng NBI.

Sinabi rin umano ni Nones na ang “P150,000 will not appear on paper as they allegedly used some of it for their expenses in processing Complainant’s documents as well as a form of compensation for their reducing of her tax liability in the official records.”

“The complainant proceeded to the payment of her official tax liability of P150,000 but Nones demanded P150,000 as their compensation in reducing her tax liability,”sabi ng NBI.

Kalauna’y nanghingi ng tulong ang complainant sa NBI, dagdag nito.

Jeffrey Damicog