Hinikayat nitong Miyerkules, Dis. 1 ni Senador Leila De Lima ang gobyerno na bumuo ng solidong diskarte upang labanan ang banta ng Omicron coronavirus variant na naiulat na mas nahahawa kaysa sa Delta.

Sinabi ni De Lima na kailangan ng pamahalaan na gumawa ng mga kritikal na hakbang tungo sa pamamahala sa COVID-19 pandemic at maging mas maagap sa kanilang pagutgon sa suliranin.

“By now, we all know that fighting any variant of COVID-19 goes beyond requiring people to wear face shields, and this government should know by now that they need to meticulously yet quickly come up with a solid strategy to prevent the possible entry of the Omicron variant in the country,”ani De Lima sa isang pahayag.

“We cannot afford to have a mere reactive response in handling this new threat that poses yet again serious challenges to our health care system,” dagdag ng senador.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Para kay De Lima, “ensuring strict implementation of border control and strengthening efforts to address the continuing vaccine hesitancy” ay kabilang sa mga dapat na isaalang-alang ng gobyerno sa estratihiya nito.

Nabanggit niya na dumaraming bilang ng mga bansa ang nag-ulat ng mga kumpirmadong kaso ng Omicron, kung saan naitala ng Africa ang pinakamataas na bilang ng mga kaso sa 77 nitong Nob. 30.

Dagdag niya, dapat walang humpay na hangarin na tugunan ng gobyerno ang vaccine hesitancy sa kadahilanang “it will save as many lives as possible and it gives us a solid layer of protection from the virus.”

“Magdadalawang taon na tayong nasa gitna ng pandemya," ipinunto ng mambabatas.

“Hindi naman pwedeng abangan na lang natin ang pagdating ng mas mabagsik na variant ng virus, o kaya naman ay umasa pa rin sa mga palpak na,” dagdag niya.

Sa pagtugon sa isyu, sinabi kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na inaasahan niya ang pagpasok ng Omicron variant, katulad ng karanasan ng bansa sa Alpha at Delta variant.

“It’s not a matter of if, it’s a matter of when, so talagang ‘yan po papasok yan just as we have experienced with Alpha, Delta among the variants of concern,” sabi ni Duque.

Dahil dito, hinimok ni De Lima ang publiko na gawin ang kanilang bahagi sa pagtulong sa pagtugon sa pandemya sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga safety protocols sa lahat ng oras, lalo na sa pagsapit ng Pasko.

“Sa lahat ng ito, huwag po nating kalimutan na nasa gitna pa rin tayo ng pandemya,” sabi ni De Lima.

“Siguruhin nating nasusunod ang safety health protocols, imulat at hikayatin ang marami pa sa atin na magpabakuna,” dagdag niya.

Hannah Torregoza