Kahanga-hanga ang ipinakitang katapatan sa trabaho ng isang janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2 matapos isauli sa may-ari ang nadampot na US$10,000 o katumbas ng₱500,000 kamakailan.

Kinilala ni MIAA General Manager Ed Monreal ang honest janitor na si Jhun Telewik, isang building attendant ngFront Runners Property Maintenance and General Services Corporation at nakatalaga sa nasabing airport.

“Despite the hardship brought by the pandemic, there are still people who remain honest. I salute Mr. Telewik for his great honesty. I am sure there are still more equally dedicated workers in our midst here in NAIA,” sabini Monreal.

Ang nasabing daan-daang libong dolyar ay natagpuan ni Telewik sa loob ng isang bag na naiwan sa departure area ng isang Filipino-American na kagagaling lamang Amerika at patungo na sana sa Dipolog City nitong Nobyembre 27, dakong 11:00 ng umaga.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Dahil walang makitang may-ari, kinuha na muna ni Telewik ang bag at ini-report niya ito sa pamunuan ng NAIA hanggang sa matukoy ang may-ari nito.

Bilang pasasalamat, binigyan naman ng₱5,000 si Telewik, ayon pa kay Monreal.

Ariel Fernandez