Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda na ipinasok na sa isolation facility ng Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong nitong Lunes ng hapon.

Nilinaw ni Solda, dadaan muna sa orientation ang dalawang nabanggit na Pharmally officials ukol sa mga patakaran at panuntunan sa loob ng isolation facility.

Dakong 1:40 ng hapon nitong Nobyembre 29, dumating ang convoy ng Senate Sergeant at Arms sa Pasay City Jail mula sa Senado kung saan sakay ang dalawang opisyal ng Pharmally.

Binigyan-diin ni Solda na walang VIP treatment sa dalawa dahil pantay-pantay aniya ang trato sa mga preso sa loob ng Pasay City Jail.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Nilinaw ni Solda na bawal pa rin ang dalaw kina Dargani at Ong habang binubuno ang 14 na araw na quarantine sa isolation area, base na rin sa health protocols na ipinatutupad sa Pasay City Jail.

Idinugtong pa ng tagapagsalita ng BJMP na kapag natapos na aniya ang kanilang quarantine period ay maaari na silang dalawin sa pamamagitan ng E-Dalaw.

Matatandaang ipinaaresto ng Senado ang dalawa matapos tumangging ibigay sa Senate Blue Ribbon Committee ang hinihinging financial documents ng bilyun-bilyong kontrata ng kumpanya sa pamahalaan kaugnay ng umano'y overpriced medical COVID-19 supplies.

Bella Gamotea