Suspendido ang operasyon ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Linggo, Nobyembre 28.

Sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), hindi muna bumiyahe ang kanilang mga tren nitong Linggo upang bigyang-daan ang pag-a-upgrade sa bagong signalling system ng linya, gayundin ang tests at trial run nito.

Inaasahan namang wala ring biyahe ang mga tren ng LRT-1 sa dalawa pang araw ng Linggo, o sa Enero 23, 2022 at Enero 30, 2022, upang ipagpatuloy ang naturang upgrade.

“LRMC is announcing a temporary suspension of LRT-1 operations on the following dates to complete the necessary works for the upgrade of its existing signalling system,” anang LRMC.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Nabatid na ang railway signaling systems o ang 'traffic light system' para sa railway ay ginagamit para maiayos ang railway traffic at maging ligtas ang operasyon at biyahe ng mga tren.

Mary Ann Santiago