Nahaharap sa kontrobersiya ang Miss Universe Thailand organization at ang delagada ng bansa sa Miss Universe matapos umano’y malabag nito ang isang batas kaugnay sa national flag ng bansa.

Kasunod ng isang promotional poster ng pambato ng Thailand sa Miss Universe na si Anchilee Scott-Kemmis kung saan makikitang dala nito ang watawat ng bansa at sa likod pa ay tila imahe rin ng watawat bilang backdrop, agad na umagaw ng atensyon ang larawan dahilan para mapansin ng ilang sensitibong kampo.

Buradong promotional poster ng Miss Universe Thailand 2021

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Isang pro-monarchy at dating politiko sa Thailand na si Sonthiya Sawasdee ang naghain ng pormal na reklamo sa pulisya sa akusasyong nilabag ng Miss Universe 2021 ang batas nang apakan nito ang national flag sa promotional poster.

Labag sa batas ang pag-apak sa pambansang watawat ng Thailand.

Dagdag pa ni Sawasdee, nilabag ni Scott-Kemis ang tatlong panuntunan ng 1979 Flag Act na nagbibigay babala sa pagyurak sa watawat. Kung mahahatulan, aabot sa dalawang taon na pagkakakulong at multang hanggang 40,000 baht o P60,000 ang maaaring kaharapin na parusa.

Dinepensahan naman ng Miss Universe Thailand si Scott-Kemis at sinabing nais lang na ihayag sa promo poster ang kagitingan ng mga Thai at purong graphic lang ito at hindi isang aktuwal na watawat.

Gayunpaman, burado na ang larawan sa Facebook page ng organisasyon.

Nakatakdang ganapin ang 70th Miss Universe Competition sa Eilat, Israel sa darating na Disyembre 12.