Pinakakansela ng isang botante ang certificate of candidacy ng kontrobersyal na opisyal ng Pharmally Biological Company na si Rose Nono Lin dahil sa "lack of residency."
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Ma. Lourdes Fugoso-Alcain, naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang botanteng si Annalou Apelado upang i-disqualify si Lin na tumatakbo sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito ng Quezon City.
“Respondent perjured herself when she swore to the truth of her statement in her Certificate of Candidacy of being a resident of the 5th District of Quezon City for more than a year when in truth and in fact she has failed to satisfy the one-year residence requirement under the law,” ayon sa petisyon ni Apelado.
Matatandaang naging resource person si Lin sa pagdinig ngSenate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrobersya sa Pharmally, kung saan tinangka nitong kumbinsihin ang Senado na wala siyang nalalaman kung bakit nakarehistro sa pangalan nito ang isang mamahaling sasakyan.
“Natagpuan ko po iyan sa garahe po namin dahil hindi po ako mahilig sa sasakyan. Okay na po sa akin basta po tumatakbo at may masakyan po ako papunta sa opisina," sabi ni Lin nang tanungin ni Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang tungkol sa₱8.8 milyong Lexus na umano'y pag-aari nito.
Nitong nakalipas na linggo, binawi ngLakas-CMD headquarters ang inilabas nilang Certificate of Candidacy and Acceptance kay Lin dahil nagbitiw ito sa partido pagkatapos maghain ng kandidatura.
Ginamit na dahilan sa petisyon ang isang katibayan mula saOffice of the Barangay Chairman of San Bartolome na nagsasabing walang "Rose Nono Lin" na nakarehistro bilang residente sa kanilang lugar.
“Her failure to establish her residence in the 5th District of Quezon City was likewise stressed out by the Election Registration Board(QC-ERB) which denied Respondent’s registration as a voter in the 5th District of Quezon City, by way of transfer from her previous registration in Hongkong in a resolution dated 08 June 2021,” pahayag ni Apelado.
Idinagdag pa ni Apelado na nagkaroon "misrepresentation" si Lin sa kanyang COC nang ideklara nito na residente siya ng ikalimang distrito ng lungsod ng mahigit isang taon.
Ben Rosario