Hindi pa man umeere ang unang seryeng pagtatambalan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana na 'Hello, Heart' ay kinakikiligan na ito ng mga netizen.

In fairness naman kay Gerald, kahit na medyo iniintriga ang kaniyang 'kamandag' pagdating sa mga babae, lalo na sa mga nakakatambal niya, isa siya sa mga maipagmamalaking leading men ng Kapamilya Network.

Maraming first time sa tambalang ito. Unang beses na magsasama sa isang serye sina Gerald at Gigi. Ito rin ang unang beses na magli-lead role si Gigi, bagama't ito ang pangalawang beses na makikita siyang umakting at magpapakilig.

Kaya naman inamin ni Gigi sa naganap na virtual media conference para sa kanilang serye nitong Martes, Nobyembre 23, na halo-halo ang emosyong nararamdaman niya, lalo na noong nagte-taping pa lamang sila. Excitement, pressure, at kaba raw ang namamayani sa kaniyang dibdib.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kaya kahit bagito pa siya sa pag-arte, talagang 100% ang ibinigay niya, para naman hindi mapahiya sa mga kasamahan at sa mga boss na nagtiwala sa kaniya.

“It's my first time doing this kasi puro kanta ako, di ba? Talagang na-pressure ako pero alam ko naman na gagawin ko 'yung best dito sa project na ito. I will give 100% para sa series na ito. Kahit first time ko ito, gagawin ko siyang parang 'di ko first time,” sey ni Gigi.

Syempre, nakasuporta naman sa kaniya ang leading man na si Gerald Anderson na puro papuri ang ibinibigay sa kaniya. Ibang Gigi raw ang mapapanood dito ng mga tagahanga ng viral singer.

“ABS-CBN will be so proud of her. 'Yung mga fans sobrang magiging proud din sa kaniya. Kasi napapanood siya sa YouTube sa ginagawa niyang mga kanta, ito ibang platform," ani Gerald.

Kung ire-rate naman niya ang aktingan ni Gigi, ano ang ibibigay niya?

“Outstanding. Not just with the performance but also sa effort na binigay niya, 'yung passion na binigay niya. Alam mo talagang she cares for this. Malayo pa ang mararating sa platform na ito."

Hinayaan na lamang umano ni Gerald na maging komportable sila ni Gigi sa isa't isa. Syempre, ilang pa si Gigi sa ilang mga eksena nila, lalo na ang mga titigan portion.

“Hindi mo make-create 'yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it's her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment,” pag-amin ni Gerald.

“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15.”

Matatandaang sinabi ni Gerald na siya ang magiging coach ni Gigi.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/28/gerald-anderson-kay-gigi-de-lana-ako-ang-coach-mo/

Mapapanood sa online streaming platform na 'iQiyi' ang kanilang unang tambalan sa Disyembre 15, kapartner ng ABS-CBN.