Pink empanada ang naisipang ipamahagi ng grupong 'Dapat Si Leni! volunteers' sa Ilocos Sur, na kalapit-lalawigan ng balwarte ng Pamilya Marcos, ang Ilocos Norte.
Bahagi ito ng kanilang kampanya upang itampok ang karagdagang kabuhayan sa mga residente doon, lalo na't kilala ang empanada sa Ilocos Region, at bilang pangangampanya na rin kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
"This is a 'way' to introduce Robredo to the community and to support the empanada vendors whose income streams became hampered because of the pandemic,” saad ng grupo.
Nakipag-ugnayan at nakipagtulungan umano sila sa isang kilalang tagagawa at tindahan ng masarap na authentic empanada at okoy, na mga pagkaing ipinagmamalaki sa Ilocos.
“Iyong engagement natin with Auntie Emma, hindi siya sapilitan. Hindi kailangang Leni supporter ang partner natin, kasi sabi ni VP kausapin pa ang mga hindi natin kakampi. Hindi requirement na Leni voter, ang kailangan lang magaling magluto," paliwanag ng isa sa mga convenor ng grupo na si Katrina Aguila. Nakatanggap umano ng banta ang may-ari ng nagluto ng pink empanadas na si 'Emma' mula sa mga tagasuporta ng ibang presidential aspirants.
"Itong experience namin with bashing, nakakatakot talaga siya. But the result was that many decided they cannot be quiet supporters anymore. Nakatulong iyong threats sa atin para mas maging matapang ang mga Ilokano supporters at mag all-out na," paliwanag niya.
“Malakas ang kalaban dito, given na iyon, pero the negative reactions of his supporters gave us the courage to be out and proud in campaigning for VP Leni."
Nabahaginan nila ng pink empanada ang mga healthcare workers, tricycle drivers, mga tindero at tindera sa palengke, garbage collectors, at iba pang 'vulnerable communities'.
“We follow VP Leni’s lead in treating our fellow Ilokanos with respect and dignity. We help the vulnerable and those who need support, regardless if they are our allies or not,” saad pa ni Aguila.
Kamakailan lamang ay namahagi naman ang ilang grup ng pink lugaw sa Roxas City at pink itlog.
BASAHIN: