Ganap nang chairperson ng Lakas-CMD party si Davao City Mayor Sara Duterte nitong Huwebes, Nobyembre 18, partido na nagtalaga sa kanya bilang vice presidential candidate sa 2022 national election.

Mananatiling co-chairman ng partido si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr., na nag-alok ng chairmanship kay Duterte, matapos na magkaisang suportahan ng National Council ang mosyon na itinaas ni party president at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Malaki at mahalaga ang ibinigay na suporta ng partido sa akin upang matugunan ko ang hamon ng ating mga kababayan na sumabak sa pambansang pulitika," ayon kay Duterte nang tanggapin ang puwesto.

Sa pamumuno ni Romualdez, nagpulong ang Lakas CMD National Council via zoom bilang tugon sa alok ni Revilla na bumaba sa puwesto at ibigay ang tungkulin sa presidential order.

“We are delighted and honored that Mayor Sara accepted the chairmanship of Lakas-CMD. We congratulate her for taking on this important role and we are confident that she will continue to inspire us more in working towards victory in the May 22 national elections,” ayon kay Romualdez.

“Our chairman has graciously offered his position as Party Chair to Mayor Inday Sara Duterte. I move that we approve the nomination,” dagdag pa niya.

Nakatanggap ng suporta ang naturang mosyon mula sa mga dumalong opisyales ng partido.

Matatandaan na nitong Nobyembre 10, nagwithdraw si Mayor Sara ng kanyang kandidatura bilang reelectionist mayor ng Davao City. Kinabukasan ay nagbitiw rin siya bilang chairperson ng Hugpong ng Pagbabago, isang regional party na itinaguyod niya noong 2018.

“Sa totoo lang, hindi ko kailanman inakala na darating ang araw na ito. Masaya po ako sa Davao City. Marami pa sana akong gustong gawin bilang mayor ng aming siyudad. Pero alam po natin ang nangyari," anang vice presidential aspirant.

“I humbly accept this challenge with the thoughts of our fellow Filipinos facing extraordinary challenges in the times of the Covid 19 pandemic,” dagdag pa niya.

Ben Rosario