Mukhang isinasabuhay na ng bagong Darna na si Jane De Leon ang pagiging superhero ng iconic role na nakatakda niyang gampanan.

Isa siya sa mga taong nagpaabot ng tulong sa viral food delivery rider na si Hershey Manuel, 18 anyos, matapos ibahagi ng isang netizen ang mga larawan nito, habang bitbit ang limang buwang gulang na sanggol habang nagtatrabaho. Nakalagay pa ang sanggol sa isang basket na nakakabit sa unahan ng kaniyang bisikleta.

Halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizens dito: may mga naawa, may mga humanga, at syempre, may ma bumatikos din sa kaniya dahil inilalagay raw niya sa alanganin ang kalusugan ng kaniyang anak, lalo't may COVID-19 pa. Katwiran naman ni Hershey, kinailangan niyang kumayod at wala naman siyang mapag-iwanan sa sanggol, lalo't nagtatrabaho rin bilang kasambahay ang kaniyang asawa.

Ibinahagi sa Facebook post ni Hershey ang personal na pagdalaw ni Jane sa kanilang bahay, noong Oktubre 29. Kuwento nd delivery rider, mismong si Jane ang nakipag-ugnayan sa kaniya. Ito raw ang talagang nag-chat sa kaniya upang malaman ang mga detalye ng kanilang kinaroroonan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Maraming-maraming salamat po Darna Jane De Leon at sa buong team po nila. Hinding-hindi ko po malilimutan 'to na pinuntahan n'yo pa po kami at kayo po mismo nag-chat sakin para matulungan kami kahit sobrang busy n'yo po. Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming-maraming salamat po talaga," ani Hershey, kalakip ang mga larawan nila ni Jane bilang resibo.

Screengrab mula sa FB/Hershey A. Manuel

May be an image of child and indoor
Jane De Leon (Screengrab mula sa FB/Hershey A. Manuel)

May be an image of one or more people and indoor
(Screengrab mula sa FB/Hershey A. Manuel)

May be an image of child, standing and indoor
(Screengrab mula sa FB/Hershey A. Manuel)

Mukhang kinuha na rin niyang ninang ang aktres.

"May Ninang na Darna na ang anak ko," aniya.

Batay sa uploaded video at larawan, mga grocery items ang ibinigay ni Jane sa pamilya ni Hershey.

Bukod kay Jane, nagpaabot din ng tulong kay Hershey ang mga politiko at pribadong indibidwal. Mga grocery items at pangangailangan ng bata ang madalas na ibinibigay sa kanila.

Anyway, tuloy na tuloy na nga ang taping ni Jane para sa 'Darna: The Series' at tiyak na ipalalabas na ito sa 2022.