Matapos bumalik mula sa kaniyang concert si Unkabogable Star Vice Ganda sa Amerika, tila nakapagpahinga at recharged na recharged si Meme dahil tila marami umano siyang energy para makipagbardagulan sa kaniyang mga bashers, bumalik sa hosting, at 'magpatutsada' sa noontime show na 'It's Showtime'.

Pinag-uusapan ngayon sa TikTok ang video clip ng umano'y pagpaparinig ni Vice Ganda sa dati nilang direktor na si Bobet Vidanes, nang i-welcome nila ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid bilang isa sa mga dagdag na hosts ng It's Showtime. May ilang linggo ring humalili si Ogie kay Vice habang nasa Amerika nga ito, bagama't bahagi na rin naman ng noontime show ang singer dahil sa pagiging hurado ng 'Tawag ng Tanghalan'.

Nitong Nobyembre 13 nga ay opisyal nang nai-welcome si Ogie bilang isa sa mga mainstay hosts ng programa.

Hindi man direkta, pinasinungalingan ni Vice Ganda ang banat ni Direk Bobet kamakailan, na minsan ay hindi nalalaman ng direktor kung anuman ang nangyayari sa show.

Pelikula

MMFF 2024, tumabo ng <b>₱800M </b>sa takilya—MMDA

"Ogie… wala kang dapat na ipag-alala, kayong dalawa, wala kayong dapat na ipag-alala (kasama si Regine Velasquez ni Ogie ng mga oras na 'yun) yung bago mong pagiging bahagi ng Showtime, alam ito ng direktor namin, aware siya, isa siya sa mga nagdesisyon, aware siya just like always!" pahayag ni Vice Ganda. Nagsitilian naman ang iba niyang mga co-hosts na present sa araw na iyon. Halata naman kay Asia's Songbird na pinipigilan niya ang pagtawa.

Humirit naman si Jugs Jugueta na "Na-aprub, na-aprub".

"Kahit si Kim Chiu alam niya 'to 'di ba?" pahabol pang biro ni Vice, na ikinatawa naman ni Kimmy.

Ang pinakabagong direktor ng It's Showtime ay si 'Jon Moll'. Si John Prats naman ay umalis na sa programa dahil sa pagiging direktor naman ng 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Matatandaang sa panayam ng Philippine Entertainment Porta o PEP kay Direk Bobet, sinabi niya na isa sa mga dahilan kung bakit siya umalis sa It's Showtime ay dahil may mga desisyon umano sa show na hindi dumaraan sa kaniya, bilang direktor nito. Pakiramdam daw niya ay naba-bypass na siya.

Isa raw sa mga hindi niya alam ay ang pagpasok ng isang bagong host. Bagama't walang tinukoy na pangalan, si Kim Chiu lamang naman ang nadagdag sa kanila simula nang pansamantalang mawala si Anne Curtis, na babalik na umano sa naturang programa sa 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/">https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Ibinuking ni Kim noong Abril 2021 na may mga taong 'hindi masyadong tanggap' ang pagpasok niya sa programa. Bagama't wala naman siyang binanggit na pangalan, pabirong banat ni Vice ay "Wala naman na siya, hayaan mo na!"

Speaking of pasaringan, palaisipan din sa mga netizens ang cryptic comment ni Kuya Kim Atienza kay Camille Prats, nang ibahagi ng 'Mars Pa More' original host ang panibagong achievement sa buhay ng kaniyang Kuya John Prats.

Ayon sa deleted comment ni Kuya Kim, wala raw aksidente sa buhay at lahat daw ay naplano at ipinagkakaloob ng Diyos. Iniiwas daw si John sa 'sakit ng ulo'.

Tanong ng marami, ano o sino ang tinutukoy ni Kuya Kim na 'sakit ng ulo?'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/">https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/

Anyway, malapit na rin nilang gawin ang taon-taong inaabangang 'Magpasikat' kung saan hinahati sa pangkat ang mga hosts upang magpasiklab ng kanilang performances.