Isa na namang lone bettor ang nakapag-uwi ng mahigit₱15 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na may nanalo ng jackpot sa PCSO lotto ngayong Nobyembre 2021.

Nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 21-41-19-01-08-38 kaya napanalunan niya ang katumbas na jackpot na₱15,840,000.00, ayon kay PCSO general manager Royina Garma.

Ani Garma, nabili ng instant milyonaryo ang kanyang lucky ticket sa Quezon City.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Mary Ann Santiago