Pinag-aaralan na ng pamahalaa ang muling pagbubukas ng bansa sa mga dayuhang turista matapos makita ang patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Presidential Harry Roque noong Martes, Nob. 9.

“Hindi po natin kahit kailan pinigilan ang pag-uwi ng mga kapwa Pilipino natin [sa gitna ng pandemya], iyan po ang standing order ng ating Presidente…Ang hindi lang po natin pinapayagan ngayon ay iyong mga dayuhang mga turista na makapasok,” sabi ni Roque sa isang virtual press conference.

“Pero alam naman po natin na napakaraming mga Pilipino nakasalalay din sa turismo para sa hanapbuhay. So iyan po ay maigting na pinag-aaralan na dahil marami na rin pong mga bansa ang nagbubukas ng kanilang mga teritoryo para sa turismo,” pagpupunto ng opisyal ng Palasyo.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseasesang collegial body na naglalatag ng mga patakaran at protocol para sa paggalaw ng mga tao sa bansa sa gitna pa rin na umiiral na pandemya.

“So antay na lang po tayo dahil encouraging nga po na mahigit 90 percent na ang bakunado sa Metro Manila, at inaantay lang po natin na makahabol iyong ating mga karatig-probinsiya,” ani Roque sa publiko.

Ang pagiging epektibo ng bakuna ang nakikitang malaking bahagi sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“At tingin ko naman po, hindi naman po para ipagkait iyong ganda ng ating bayan sa mga turista kung mayroon nang sapat na protection ang ating mga kababayan,” pagpatuloy ni Roque.

Nitong nakaraang linggo, binanggit ng opisyal ng Palasyo ang Thailand bilang isang bansa kung saan maaaring matuto ang Pilipinas ng mga aral ukol sa muli nitong pagbubukas sa mga dayuhang turista.

Ellson Quismorio