Nagbigay ng reaksyon at komento ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa naging viral TikTok video ng isang lalaking guro na nagpapa-cute kapag dumaan ang kaniyang cute na estudyante, bagay na hindi nagustuhan ng karamihan, maging ng Department of Education o DepEd.

Ayon sa Facebook post ni Ogie Diaz nitong Nobyembre 6 na may hashtag na #SadTruth, sang-ayon siya na mali ang ginawa ng lalaking guro at kailangang kondenahin at bigyan ng sanction, bagama't kung titingnan daw ay nagpa-cute lang naman siya sa TikTok video.

Ogie Diaz (Larawan mula sa FB)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Mali naman talaga si Sir. Dapat lang kondenahin at bigyan ng sanction."

"Pero kung tutuusin mo, ganun lang yon, nagpa-cute lang, wala namang estudyante niyang nabalitaan tayo na na nag-claim na nag-take advantage si sir sa kanilang kainosentihan."

"He was just trying to be cool, sumabay sa agos ng usong nagpapaguwapo sa TikTok, pero hindi siya aware na ito na nga ang ending ng kanyang career."

"Di ba pwede first offense, warning muna? Magtatanda naman na siguro si sir."

Giit ni Ogie, nanganganib na mawalan ng propesyon o trabaho ang naturang guro, ngunit may mga politiko o opisyal ng pamahalaan na harap-harapan na umanong nasasangkot sa katiwalian o anomalya, pero nariyan at hindi pa rin umano nakukulong.

"Mawawalan ng trabaho ang guro, dahil sa malisyosong pagpapa-cute. Habang yung ibang pulitiko o government officials, parang normal na lang sa kanila ang corruption o anomalya, pero wala pa ring nakukulong."

Ang 'sad truth' daw, kapag 'maliliit' na tao ay madaling parusahan.

"Pag maliliit na tao, kayang parusahan, pero pag malalaking tao, mamumuti na pubic hair mo, asa ka pa? #SadTruth."