Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Nobyembre 2.
Inanunsyo ng Pilipinas Shell na dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas sila ng ₱1.15 sa presyo ng kada litro ng gasolina kasabay ng pagtapyas ng ₱0.35 sa presyo ng diesel at ₱0.30 naman sa presyo ng kerosene.
Hindi naman nagpahuli ang mga kumpanyang Cleanfuel, Caltex, Seaoil at Petro Gazz sa pagpapatupad ng kaparehong dagdag-bawas sa kanilang produktong petrolyo.
Bunsod pa rin ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang nitong Oktubre 26, nagtaas din ng ₱1.15 sa kada litro ng gasolina, ₱0.55 sa kerosene at ₱0.45 naman sa diesel.
Bella Gamotea