Top trending sa Twitter ang hashtag #LeniKiko2022 kaninang alas-12 ng tanghali nitong Sabado, Oktubre 23, sa parehong araw nagdaos ng parada ang ilang probinsya at lungsod sa Pilipinas upag magpakita ng suporta sa opposition tandem sa 2022 elections.

Ang “TROPA ng Pag-asa: The People’s Proclamation Motorcade for #LeniKiko2022” ay nagsimula ng alas-10 ng umaga at natapos ng alas-12 ng tanghali sa 49 na lungsod at probinsya sa Pilipinas. 

Ipinagdiwang dito ang nominasyon nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Francis "Kiko"Pangilinan, maging ang kanilang 12 senatorial candidates, upang ibalik sa bansa ang "good governance."

“Tumitingin ako sa mga posts ng mga #kakampink mula Luzon, Visayas, at Mindanao, at di ko mapigil na maluha," ani Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo, sa kanyang tweet.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Tumindig tayo at may tumindig sa tabi natin. Ang gaang sa loob kapag alam mong hindi ka mag-isa. Tuloy lang ang pag-uusap at pagmamahal. Dadami pa tayo," dagdag pa niya.

Kasama sa kanyang tweet ang emoji ng pink na ribbon at official hashtag ng caravan na #LeniKiko2022.

Kabilang sa sumali sa caravan ay ang:official Team Leni Robredo, sectoral groups such as Lawyers for Leni, Riders for Leni, and Bikers for Leni, maging ang allied groups and coalitions—Liberal Party Chapters, 1Sambayan, People Power Volunteers for Reform (PPVR), Alliance of Labor Leaders for Leni (ALL4Leni), Leni Urban Poor, at marami pang iba.