Buong puwersa physically at virtually ang GMA Network at GMA Artist Center bosses sa renewal ng kontrata ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na ginanap nitong Oktubre 15 sa EDSA Shangri-la Hotel.

Ang ibang mga big bosses, kabilang ang bagong consultant na si Johnny 'Mr. M' Manahan, ay present sa pamamagitan ng Zoom.

Nang tanungin tungkol sa loyalty sa network, nagbitiw ng pahayag si Alden na hanggang matapos ang kaniyang showbiz career ay nakikita niya ang sarili bilang Kapuso.

GMA Network umano ang nagbigay sa kaniya ng tiwala sa simula pa lamang. Sumugal umano ang network sa kaniya, kaya walang dahilan para hindi siya tumanaw ng utang na loob dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng best sa lahat ng mga proyektong ibinibigay sa kaniya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"GMA first trusted me. Of all the people, of all the networks. GMA gambled on me. Hindi sila sigurado, pero they decided na bigyan natin ng risk yung Alden Richards," aniya.

Dagdag pa niya, "So parang ako naman, being a newbie during that time, sino ba naman ako para to take that opportunity for granted? The only thing I can do is to work hard wholeheartedly, passionately and parang it’s the least I can do for the trust, e.”

"Yun kasi siguro ang isa sa pinakamahirap makuha when it comes to relationship, yung trust. Because it’s the basis of all relationships."

Naging mapagbigay umano ang network sa kaniya na makagawa ng mga proyekto na wala sa 'wall' nito. Isa na riyan ang matagumpay niyang pelikulang 'Hello, Love, Goodbye' na katambal si Kathryn Bernardo, produced by Star Cinema, na movie outfit naman ng ABS-CBN. Ito ngayon ang may hawak ng titulong 'highest grossing Filipino film of all time'.

"Hindi po ako nare-restrict with the potential that I can give because I can give more. So pinayagan po nila ako to do projects even outside."

"So with those kind of moments na nangyayari sa akin, lalo talagang natatanim sa puso ko na tama yung desisyon ko to be with GMA and to stay with GMA, siguro until the end of my careeer.”