Mukhang may pahiwatig na panawagan ang Facebook post ni Undersecretary at Director General ng Philippine Information Agency Mon Cualoping na kaugnay sa naraanan niyang mga paskil sa national headquarters ng 'Inday Sara Duterte Ako Volunteer Support Group.'

"LIGHTS STILL ON! On my way home tonight, and passed by this again. Everyone’s guessing game! Again, lights (are) still on!" ayon sa caption ng kaniyang Facebook post.

Mon Cualoping (Larawan mula sa FB)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

May be an image of 1 person and smiling
Mon Cualoping (Larawan mula sa FB)

Interpretasyon ng mga netizens, ang tinutukoy ni Cualoping ay ang posibilidad ng pagbabago sa isip ng presidential daughter na sundan ang yapak ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatlong beses nang itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala siyang balak na tumakbong presidente sa halalan 2022. Mas pinipili umano niyang maglingkod sa mga kapwa-Davawenyo sa pamamagitan ng pagtakbong muli bilang mayor ng naturang lungsod.

Ngunit hindi pa rin nawawala ang mga bulung-bulungan na baka sa darating na Nobyembre ay makikipagpalitan siya umano ng posisyon sa kandidatura, kay Senador Bong Go na tumatakbong bise-presidente, o kaya naman ay kay Senador Ronald 'Bato' Dela Rosa, na to the last minute ay naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo.

Ayon kay Senador Bato, bukas umano siya sa posibilidad ng 'substitution' kung sakaling gustuhin na ni Inday Sara na makipagpalitan sa kaniya, at ito na ang tumakbong pangulo.

Samantala, si Mon Cualoping ay naging viral dahil sa pagsoplak niya noon kay Angel Locsin dahil tinawag niya itong 'no brain cells' gayundin sa aktres na si Arlene Muhlach, na ipinagtanggol naman ang kapwa aktres.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/13/kita-tayo-lalaki-sa-lalaki-bardagulang-neil-arce-at-mon-cualoping-inaabangan-na/">https://balita.net.ph/2021/09/13/kita-tayo-lalaki-sa-lalaki-bardagulang-neil-arce-at-mon-cualoping-inaabangan-na/