Hindi lamang pala agawan ng jowa, asawa, o yaman ang isyu ngayon kundi agawan din ng kulay?

Usap-usapan ngayon ang patutsadang Facebook post ni Megastar Sharon Cuneta sa mga namumunang 'mang-aagaw' umano ng kulay-politika ang kaniyang mister na si Senador Francis 'Kiko' Pangilinan, na tumatakbong bise-presidente sa darating na halalan 2022, running mate si Presidential Candidate VP Leni Robredo.

Katwiran ni Mega, matagal na raw ginagamit ni Kiko ang kulay-green, kaya payo niya sa ibang mga hindi pinangalanang kandidato, na huwag gamitin ang kulay na ito, dahil nauna na rito ang asawa niya. Humanap na lamang umano sila ng kulay.

"It is funny how some people are claiming that GREEN is “THEIR” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin! So go find your own color. Please. #lenikiko2022 #Tropa," aniya sa caption.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Umani naman ito ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens:

"Halata po yata na natatakot sila? They downplay VP Leni and Sen. Kiko and yet liit-liit na mga bagay pinupuna nila. You have our support Mega! Pink and green all the way!!!"

"And there she goes again… The disente ranting and losing her sanity publicly. Kung ganyan lang naman din disente, huwag na uy!"

"It does not matter what color you have, what matters, how would you help our country during your stay with the national government as a politician."

Sa isa pang social media posts, ipinakita niya ang isang ribbon na kalahating pink at kalahating green bilang pagsuporta sa tambalang Leni-Kiko.