Pinaplano ngayon ng mga transport group na magpatupad ng ₱12 minimum na pasahe sa public utility jeepney (PUJ) bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at epekto ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Isinampa na ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines Inc., (ALTODAP) ang kanilang kahilingan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Miyerkules, Oktubre 13.

Anila, aabot sa₱9.00 ang minimum na singil sa mga PUJ at nais nila itong dagdagan ng₱3.

Katwiran din ng mga ito, tumataas na rin umano ang gastos sa kanilang operasyon at maintenance ng kanilang mga jeepney mula nang aprubahan ng LTFRB ang pagtaas ng pasahe noong 2018.

“The current minimum fare is still freeze at P9.00 which is apparently not enough even to cover the operating cost of the PUJ service,”

Pasang Masda President Obet Martin said jeepney operators and drivers are still reeling hard from the effects of public transport restrictions brought by the pandemic coupled with the steady rise in fuel costs.

“Ang mga miyembro namin ay nagdadaingan na at nakikita ko na nahihirapan na talaga sila. Lugi na rin kasi ang kinikita lang ng mga driver ngayon ay P200,” pahayag naman ni Pasang Masda President Obet Martin.

Alexandria San Juan