Nagpadala ng walong military nurses ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City nitong Lunes, Oktubre 11 para dagdagan ang workforce ng ospital kasunod ng kamakailang pagsipa ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Pinangunahan ni Col. Fatima Claire Navarro, AFP Surgeon General,ang send-off ceremony sa walong Nurse Corps Officers sa Lung Center of the Philippines.

“We are all equally affected by the impact of the pandemic but in situations when our fellow healthcare workers are feeling low, a friend or even a stranger who will extend sincere help, expecting nothing in return, may be the beacon of hope,”sabi ni Navarro.

Sasailalim sa isang buwang deployment ang dalawang grupo ng AFP Nurse Corps alinsunod sa memorandum of agreement na pinasok ng AFP at Department of Health, ayon sa AFP Surgeon General.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kabilang sa mga unang grupo ang mga reservists sina 2nd Lts. Federico Muyco, Joey Cabaluna, at Lavina Augusto. Meanwhile, habang binubuo nina 1st Lt. Fernando Velarde, 2nd Lts. Raul Ramos and Abner Andamon, and Probationary 2nd Lts. Chrissen Valmonte at Leslie Ann Munez ang ikalawang grupo.

Na-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga nabanggit na nurse.

Bago ang assignment, sumailalim muna sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang mga ito kung saan negatibo ang lumabas na resulta. Gagawin ang RT-PCR testing bawat dalawang linggo para mabantayan ang kanilang kondisyon sa frontline.

“Their dedication, strength, and bravery will boost the morale of their fellow frontline workers and will definitely help the government in addressing the needs of our people,”sabi ni Faustino.

Martin Sadongdong