Pinababayaran na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Richard Gordon ang₱86 milyong disallowed expenses ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung saan nanungkulan ang huli bilang chairman mula 1992 hanggang 1998.

Inilabas ng Pangulo ang pahayag matapos itong batikusin ni Gordon dahil sa pamimili ng mamahaling relo sa isang mall sa Makati sa gitna problema ng bansa sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

Sapre-recorded public address ng Pangulong nitong Miyerkules ng gabi, dapat na aniyang ibalik ni Gordon ang nasabing salapi upang may magamit ang bansa sa paglaban sa pandemya, katulad ng pagbili ng bakuna.

“Bayaran mo, kasi kinakailangan ng gobyerno dahil magbili pa tayo ng maraming bakuna.Alam mo ‘yan. Kulang ang pera natin at naipon natin," pangungumbinsi ni Duterte.

National

DepEd, balak pasimplehin ang Senior High School curriculum

Tiniyak din ng Pangulo na "titigilan na niya si Gordon kung maibabalik na nito ang nabanggit na halaga."

“Pakiusap ko lang sa iyo, bayaran mo. Tapos na ako sa iyo ‘pag nabayaran mo."

Kamakailan ay inihayag ng Pangulo na mangagampanya siya laban kay Gordon dahil sa pagiging "magnanakaw" nito.

“Sabi ko sa’yo kakampanya ako laban sa iyo. Eh, magnanakaw ka, eh. Isang issue ko lang sa iyo, P86 million na ninakaw mo.Eh, kasi kung sabihin mo na wala sa iyo, eh ‘di nasaan? Eh, ‘di ninakaw mo?” pagtatanong ni Duterte.

Nilinaw din ni Duterte na may nailabas na kautusan ang Korte Suprema na nag-uutos kay Gordon na bayaran ang naturang halaga.

“That order of the Supreme Court is final and executory. Bakit hindi mo bayaran? Bayaran mo ‘yan kasi ninakaw mo," dagdag pa ng Pangulo.

Argyll Geducos