Sa programang Unang Hirit nitong Martes, Oktubre 5, binalikan ni Miss Universe 2021 Top 10 finisher si Kisses Delavin ang naging journey nito sa kompetisyon.

Nasa Bohol pa rin si Kisses limang araw matapos ang finale ng MUP kung saan nakoronahan ang pambato ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez.

Sa ngayon ay buong pasasalamat ng actress-turned-beauty queen sa kanyang natanggap na suporta debute niya sa MUP.

Nang tanungin ng host ang kuwento sa likod ng viral video ni Kisses kung saan makikita siyang umiiyak sa backstage, ibinahagi nito ang tumatakbo sa kanyang isipan sa mga oras na ‘yon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sa backstage, madaming emotions. I think lahat kami umiyak kasi nandun 'yong family namin. Inaalala namin yong mga designers namin. Yong lahat ng pagod, ng friendship. Ang sarap sa feeling nang matapos yong pageant,” sabi ni Kisses.

“Not because you wanted it to be over but because you realized how much you gained,” dagdag niya.

“Na-sad din ako kasi naging close na ko sa mga sisters,” ani Kisses.

Lalong nalungkot si Kisses para sa mga kapwa kandidatang overaged na’t hindi na muling makakasabak sa susunod na edisyon ng MUP.

Samantala, binalikan din ni Kisses ang naging preparasyon nito sa kanyang nakakagulat na body transformation.

Kuwento niya, dahil sa quarantine kung saan naging “chubby” siya, kinailangan niyang sumabak sa matinding workout at diet para makapagbawas ng hanggang anim na kilo.

“I felt proud of myself,” sabi ni Kisses.

Hiningan din ng reaksyon si Kisses kaugnay ng mga natanggap na papuri sa mga dating MUP queens kabilang na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2014 Top 10 finalist MJ Lastimosa at Miss Universe 2020 Top 2021 finisher Rabiya Mateo.

“I’m very grateful kasi po marami ang nag-support sa akin. But at the same time, I keep in mind yong lahat ng pwede ko pang points for improvements. Kasi this is really my big dream, the Miss Universe crown. I think I’m in the good direction,” sabi ni Kisses.

“Iki-keep ko ang positive comments and also the points for improvements so that when I do represent the country, talagang all aspects na,” dagdag nito na tila senyales sa muling pagsabak niya sa MUP.

Kaya naman kasunod na tinanong si Kisses sa kanyang plano at kung sasali ba siyang muli sa prestihiyusong kompetisyon.

“I just wanna let myself be surprised by myself. Kasi ako din every day nasusurprise sa mga bagong kong idea. I’m just very open. I’m just looking at the positive side,” nakangiting sabi ni Kisses.”

“Ako po, I am very sure that this is my big dream. I will continue on this path. That is for sure,” siguradong pagdadagdag nito.

Si Kisses ang tinaguriang most improved contestant ng mga pageant analysts mula umpisa hanggang sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 nitong Setyembre 30.