May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Di ako nagpa-resign!' Lourd, nakaladkad pangalan sa pag-alis ni Izzy sa SexBomb

'Di ako nagpa-resign!' Lourd, nakaladkad pangalan sa pag-alis ni Izzy sa SexBomb
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT)

Nadawit ang pangalan ng manunulat at News5 anchor na si Lourd De Veyra kaugnay sa isyu ng pag-exit ni Izzy Trazona sa grupo nitong SexBomb Girls.

Sa latest episode ng programang “Afternoon Delight” nitong Miyerkules, Pebrero 20, itinanggi ni Lourd na pinagbitiw niya si Izzy sa dating girl group na kinabibilangan nito. 

Ito ay matapos mapagdiskitahan ang larawan niya kung saan may nakalagay na tekstong “Mag-resign ka sa SexBomb.”

Ani Lourd, “Pakiusap lang sa mga loko-loko, hindi ako ‘yong nagpa-resign do’n sa SexBomb na miyembro. Kaya tigilan n’yo na ako, mga hayup kayo! Host po ako.”

“Okay na kayong pag-resign-in ni Lord, 'wag lang kayong kunin [ni Lord],” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Matatandaan kasing sa isang panayam kamakailan, sinabi ng mister ni Izzy na si Alvin Aragon na ang Panginoon umano ang dahilan kung bakit umalis ang misis niya sa SexBomb.

Aniya, “Sino ang nagpa-resign [kay Izzy] sa SexBomb? Ang Panginoon noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord.”