Patuloy na nahihirapan ang Lung Center of thePhilippines (LCP) dahil sa kakulangan ng tao matapos magpositibosa COVID-19 ang ilan sa mga health workers nito.

Sa isang panayam ng DZMM Teleradyo nitong Martes, Setyembre 21, sinabi ni LCP spokesperson Dr. Norberto Francisco na 36 sa kanilang health workers ang nagpositibo sa nakamamatay sa sakit.

“Sa ngayon ang active cases namin 36. Isa na ho ito sa pinakamarami sa history ng Lung Center since last year. Pero 405 na po ang naka-recover dito. Ang total namin 442. This is actually a good batting average compared to other healthcare hospitals,” ani Francisco.

Isa sa mga referral facility ang LCP para sa mga coronavirus patients na may malala at kritikal na kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ngayon, hirap po kami kasi talagang kulang at kulang ang manpower. We want to expand our services and we have been. Isa ito sa pinakamataas naming din-dedicate ang ospital sa COVID beds," ayon kay Francisco.

“Ang isa pa sa pumipigil yung healthcare personnel namin, limitado po. Masalimuot ang COVID, maalagain ang mga pasyente," dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Francisco na 84 na porsyento sa hospital beds ay para sa COVID patients.

Dagdag pa niya, puno na ang ospital at ang paghihintay sa emergency room patungo sa COVID ward ay umaabot minsan hanggang limang araw.

“Minsan kapag puno ay sila ay nasa emergency room, napipilitan po tayo na alagaan sila kahit sila ay naka wheelchair lang," ani Francisco sa DZMM.

“The reliable indicator, one of the sensitive indicator of the operational capacity of the hospital, yun pila sa emergency room. Kasi kung bakante sa ospital kahit padating ng padating sa emergency room naigagawa namin ng paraan in 24 hours naiaakyat namin yan," paglalahad niya.

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Setyembre 20 ang karagdagang 18,937 na bagong kaso ng COVID-19 na sanhi upang umabot sa 2,385,616 ang kabuuang kaso ng virus sa bansa.

Jaleen Ramos