Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Huwebes, Setyembre 16 na tatakbo muli siya sa May 2022 elections.

Inihayag ito ni Zamora sa installation ng "100% fully vaccinated" at "VIP (Vaccine Incentive Program" stickers sa ilang mga establisyemento sa lungsod bilang katibayan na sumusunod sila sa quarantine rules and regulations na ginawa ng gobyerno upang labanan ang COVID-19, kasama siMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

“Ako po ay tatakbo for re-election as mayor of San Juan. Alam nyo po, nung tayo’y unang lumaban ay hindi ho tayo pinalad, ngunit patuloy ho tayong nagtiyaga and after three years ay nabigyan na ng pagkakataong maging mayor," ayon kay Zamora.

“Sa unang dalawang taon natin siguro ay naramdaman ng San Juan ang pagbabago sa pamamalakad sa ating lungsod. Even on a national level, San Juan is now being recognized dito nga sa vaccination program natin, una po ang San Juan na nakakamit ng herd immunity sa buong Pilipinas, at ito ay isang bagay na ikinatutuwa ng ating mga mamamayan ng lungsod sapagkat ramdam ho nila ang ating kaibahan sa pamamalakad, very hands-on, and they can see that their mayor is working every single day," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak ng alkalde na magpapatuloy ang pagsisikap at programa ng lungsod sa paglaban sa pandemya at gagawa siya ng paraan upang maging maayos ang buhay ng San Juaneños sa kabila ng patuloy na pandemya.

Patrick Garcia