Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa Pilipinas na dating idineklara sa buong bansa kaugnay pa rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang nilalaman ng Proclamation No. 1218 na pirmado ng Pangulo. Ipinakalat na sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacañang ang kopya ng nasabing deklarasyon nitong Biyernes ng gabi.

Ipatutupad itosimula Setyembre 13, 2021 hanggang Setyembre 12, 2022, maliban lamang kung ito ay naunang bawiin o palawigin dahil sa hinihingi ng pagkakataon.

“This declaration will, among others, effectively afford the national government, as well as local government units (LGUs), ample latitude to implement the COVID-19 vaccination program, utilize appropriate funds, including the Quick Response Fund, in their disaster preparedness and response efforts to contain the spread of COVID-19; monitor and control prices of basic necessities and prime commodities; and provide basic services to the affected populations,” ang nilalaman ng dalawang pahinangdokumento.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

InirekomendangNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagpapalawig ng state of calamity alinsunod na rin sa Republic Act (RA) No.10121 (Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010).

Matatandaang idineklara ng Pangulo ang State of Calamity sa bansa nitong nakaraang taon, simula Setyembre 13, 2020 hanggang Setyembre 12 ng taon.

Bago ang nasabing hakbang, idineklara muna ng World Health Organization (WHO) ang pandemya noong Marso 2020.

Ellson Quismorio