Aminadong 'sawsawerang kapalakaan' ang dancer, model, at TV personality na si RR Enriquez sa trending na isyu ngayon sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, at idagdag pa riyan ang idinadawit na third party na si Yen Santos.

Mababasa sa kaniyang mahabang Instagram post nitong September 10 ang kaniyang palagay hinggil sa isyu, matapos ang paglabas ng pahayag ni Paolo. Inilakip niya sa kaniyang IG post ang isang meme hinggil sa baguio City.

Larawan mula sa IG/RR Enriquez

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Bwahahahaha tawang-tawa ako dito!!! Trending ito ngayon!! Mga utak talaga ng PINOY,” panimulang talata ni RR.

“Ayaw ko talaga makisawsaw pero dahil sawsawera na yata talaga literal ang pagkatao ko simula nagka-pandemya, gusto ko na ituloy-tuloy ito! Yung makisawsaw sa mga ‘Kasawsawerang Kapalakaan,’ aniya.

In fairness naman daw kay Paolo ay kahanga-hanga ang naging hakbang nitong pag-upang amining siya ang may pagkukulang o pagkakamali sa naging relasyon nila ni LJ, lalo na sa publiko, at lalo’t may pelikula pa sila ngayon ni Yen na ‘A Faraway Land.’

Subalit palagay ni RR, sumablay si Paolo sa #4 na ibinigay niyang paliwanag. Palagay kasi niya, hindi pa ‘tinodo’ o full blast ni Paolo. Kaya ang masasabi niya umano, ‘Don’t us!’ o ‘Huwag kami!’

Tungkol ito sa paliwanag ni Paolo kung bakit magkasama sila ni Yen Santos sa Baguio City.

“4. Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” ani Paolo.

Para kay RR, hindi umano dapat sumama ang isang babae sa isang lalaki, kahit bilang kaibigan, lalo na kung patungo sa isang malayong lugar, gaya ng Baguio City na puntahan talaga ng mga turista, lalo na ang mga ‘love birds.’

“Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag-isa ‘as a friend’ lalo ang layo ng bibiyahihin namin! Hello 5 hrs para lang magbigay ng advice or magpalamig at the same time magpainit este magpalamig kasi ang init sa Manila?”

How did Paolo Contis and Yen Santos film 'A Faraway Land' in the middle of  the pandemic – Manila Bulletin
Yen Santos at Paolo Contis (Larawan mula sa Manila Bulletin)

“At hindi din kami basta basta umaangkla sa lalaking kasama namin if hindi namin gusto or karelasyon ha. Ako lang yan ha. Ewan ko sa ibang girls… Basta kapag sumama ako ibig sabihin parang alak lang ‘yan. Kapag may alak may balak. CHAR lang!!!! Pasok bashers,” aniya.

Subalit kahit duda siya sa #4 na paliwanag ni Paolo, sinabi niyang huwag din namang magmalinis ang iba, at huwag kaagad husgahan si Paolo bilang ‘pinakababaerong lalaki’ sa balat ng lupa.

Lahat naman umano ay nagkakamali. Lahat naman umano ay dumarating sa puntong nananabang sa partner sa pag-aakalang sila na talaga ang ‘the one.’

“Kapag niloko or iniwan ka ng jowa mo, palagi mo tatandaan na sini-save ka lang ni God sa mga pwede pang worst na gawin ng partner mo.”

“Huwag din tayo magmalinis na akala natin si Paolo na yung pinakababaerong lalaki sa balat ng lupa.”

“Tingin din tayo sa salamin coz sure ako may kasalanan ka din nagawa sa buhay mo. Hindi man pambababae or panglalalaki pero sure ako meron.”

At naniniwala ako na lahat ng kasalanan pantay-pantay 'yan sa mata ng Diyos!!! So ayun lang,” himig-seryosong sabi ni RR.

May pahabol na mensahe si RR na ang ang pakikisawsaw niya ay hango sa tunay na istorya kaya ‘patnubay ng magulang ang kailangan.’

Si RR Enriquez, o Romyreen Enriquez, ay isang dancer, model, at television personality.

Isa siya sa mga naging dancers ng variety and game show ng ABS-CBN noon na ‘Wowowee’ at pagkaraan ay naging co-host nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang. Kabilang din siya noon sa defunct comedy show na ‘Banana Split.’