Mahigit 185,000 na ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (CVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng record-high na 26,303 na nahawaan ng sakit nitong Sabado.

Sa pahayag ng DOH, lumobo na sa 2,206,012 ang naitatalangkabuuang COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 11, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso, 8.4% pa o 185,706 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 85.3% na mild, 10.2% na asymptomatic, 2.56% na moderate, 1.3% na severe at 0.6% na critical.

Naitala rin ang 16,013 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya umabot na sa 1,985,337 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.0% ng total cases.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Nadagdagan pa ng 79 pasyente ang namatay dahil sa sakit.

Sa ngayon, umaabot na sa 34,978 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.59% ng total cases.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng DOH na sa 26,303 bagong kaso nitong Setyembre 11, nasa 1,608 ang dapat ay kasama sa September 10 topline numbers. Habang ang 24,695 naman ay ang aktuwal na kaso na naitala para sa petsang Setyembre 11.

Mary Ann Santiago