Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa Internal Affairs Service (IAS) na simulan na ang imbestigasyon at summary dismissal proceedings laban sa naarestong pulis-Maynila na isinasangkot sa iligal na pagbebenta ng armas at "nakaw" na sasakyan.

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Michael Salinas, nakatalaga sa Station 1 ng Manila Police District at kabilang sa walong katao na nadakip noong Setyembre 3 dahil sa pagbebenta ng mga baril at sasakyan na may kahina-hinalang dokumento sa Parañaque City.

Sinabi ni Maj. Gen. Vicente Danao, Jr., director ng National Capital Region Police Office, si Salinas ay maaaring lider ng grupo.

“Isang pulis na naman ang nasangkot at nahuli sa paggawa ng iligal at tinitiyak ko na sisipain natin sa serbisyo si Police Staff Sgt. Michael Salinas na ito sa patuloy nating paglilinis sa mga abusado at utak-kriminal sa aming hanay,” sabi ni Gen Eleazar. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bella Gamotea