Humina na ang bagyong 'Kiko' habang tinatawid ang karagatan ng Itbayat sa Batanes nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nakataas pa rin sa Signal No. 4 ang hilagang bahagi ng Batanes at Signal No. 3 naman ang natitirang bahagi ng lalawigan.
Nasa Signal No. 2 naman ang hilagang bahagi ng Babuyan Islands at Signal No. 1 ang natitirang parte ng Babuyan Islands, northern portion ng Cagayan at northerneastern ng Ilocos Norte.
Taglay pa rin ng bagyo ang hanging 195 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 240 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa abiso ng PAGASA, makararanas pa rin ng malakas na ulan ang Batanes sa susunod na 24 oras, gayundin ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, at Kalinga
Sa pagtaya pa ng PAGASA, posibleng lalabas na ng Pilipinas ang bagyo sa Linggo ng gabi o sa Lunes ng gabi.
Ellalyn De Vera-Ruiz