Handang magbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung mapapatunayang ang ginawang pagbili ng pamahalaan sa face masks at face shields ay overpriced.

Ito ang diretsahang pahayag ng Pangulo sa kanyang "Talk to the People" nitong Sabado, na nagpapakita na dinepensahan nito ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at si dating Presidential Adviser Michael Yang.

Ang depensa ng Pangulo ay kasabay ng pagbatikos sa Senate investigation hinggil sa umano'y overprice na pandemic-related medical goods.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

“Dito ko sinabi na mag-resign ako kung may corruption diyan. Ora mismo bababa ako. COA [Commission on Audit] na nagsabi na walang anomalya sa disbursements at delivery ng items. Ano ba ang gusto ma-illicit? Ano ba ang inyong gusto?” ayon sa Pangulo.

“Ang agenda ng blue ribbon committee is motu propio investigation.The senators kept looking for the technical and financial requirements of Pharmally. Wala naman akong pakialam diyan. Pharmally is really a Pharmally corporation sa Singapore. Doon ‘yan nag-provide ng goods and services,” dagdag pa nito.

Ipinagtanggol din ni Duterte si Yang, sabay katwiran na natural para sa isang negosyante ang sumali sa iba’t ibang biddings.

“Itong si Michael Yang for the last 20 years negosyante ng Davao. Siya ‘yung inutusan ko initially noon when I made contacts with Chinese. Siyempre may negosyo nakikisali. Eh negosyante eh. Ano magawa mo?What is clear is that there was a contract, there was delivery, kumpleto lahat ng specifications at quality, quantity and all. Tapos after delivery bago pa nagbayad ang Pilipinas,” pahayag ni Duterte.

Binansagan naman ng Pangulo ang Kongreso na “maldito” para sa paglulunsad ng imbestigasyon laban sa ginagawang paggastos ng pondo ng Department of Health (DoH) bilang pagtugon sa COVID-19 at umano'y overprice na medical goods.

“They started first with the unspent billions. Tapos sabi nila walang nakuha kasi nga unspent. But they are asking si Duque kung bakit hanggang ngayon ‘di nagastos. You do not run the DOH by legislation. ‘Yun ang problema sa kanila.Don’t listen to Congress. They are b******t. Pang-istorbo lang ‘yang yawa na ‘yan," giit nito.

Maging si COA chairman Michael Aguinaldo ay nagsabi na ang audit observation ay nakatuon sa medical goods’ inventory management at hindi sa overpricing issue.

Beth Camia