Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P19.9 billion unutilized budget para sa pamamahagi ng food packs sa mga pamilyang maaapektuhan ng granular lockdowns.

Sa ulat ni DSWD Director Emmanuel Privado sa House of Representatives Appropriations committee, ang inisyal na halaga ng bawat food pack ay aabot ng P600-P650, ngunit sa pinakahuling bidding ay aabot ito sa P774.

Maglalaman ng apat na delatang tuna, apat na delatang corned beef, anim na kilo ng bigas, anim na piraso ng kape, limang pakete ng inumin at dalawang sardinas ang bawat pack na ipamamahagi bawat pamilya.

Ayon kay Privado, sapat na raw ito para sa tatlong araw na pagkain ng pamilyang may tatlong miyembro.

Drogang tinangkang ipuslit sa hamburger sa kulungan, kalaboso!

Hiniling ni Deputy Minority Floor Leader Stella Quimbo kwentahin ang nasa 500,000 pamilya na mabibigyan ng food packs.

Sa kanyang extrapolation, sinabi ni Quimbo na ang natitirang budget na P19.9 bilyon unutilized DSWD budget ay mababawasan ng hanggang P15.9 billion sa katapusan ng 2021.

Hiniling ni Quimbo ang mabilisang disbursement ng DSWD sa ilalim ng utilized funds.

Nirekomenda rin ng mambabatas ang pamimigay ng “ayuda” o cash assistance sa mga pamilyang maaapektuhan ng granular lockdowns.

Subalit ayon kay DSWD chief Rolando Bautista, walang “ayuda” ang DSWD sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 liban lang sa mga social protective programs.

Mario Casayuran