Ilang agents at executives ng life and non-life insurance companies mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsama-sama para hikayating tumakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022 si Vice President Leni Robredo.
Sa pahayag ng “Insurers for Leni,” dineklara ng grupo ang brand of value-based leadership umano ni Robredo nakailangan ng bansa para sa mas maayos na pamumuhay ng mga Pilipino.
Ayon sa convenor nitong si Anna Blanco, ang grupo ay kasalukuyang mayroong 1,400 members mula sa 24 life at non-life insurance companies.
Sa kanilang manifesto, hiling nila na ang competence, professionalism, honesty, integrity at totoong pagkalinga sa publiko ang susunod na mga government leaders.
“The COVID-19 crisis has shown how the current government failed us,”sabi ng grupo.
“The data on the pandemic, the impact on the livelihood of many Filipinos, and the heartbreaking plight of frontliners coupled with allegations of corruption make us desperate for better governance,”dagdag nito.
We believe that leader to be Leni Robredo. To us, she exemplifies the values we need in a leader. Competent, professional, honest, with integrity and genuine concern for all. We believe in her moral authority to lead the government and secure a better future for Filipinos,” pagpupunto ng grupo.
Hindi pa inaanunsyo ni VP Robredo ang kanyang political plans para sa 2022. Ngayong buwan, inaasahan ang kanyang pinal na pasya.
Argyll Cyrus Geducos