Arestado ang isang barangay chairman at tatlong umano'y kasabwat nito matapos umanong mambulsa ng ayuda na nakalaan sana sa mga residenteng apektado ng enhance community quarantine (ECQ) sa Maynila, kamakailan.
Kinilala ni Lt.Rosalind "Jhun" Ibay Jr., hepe ng Special Mayor's Reaction Team Manila, ang apat na sinaPunong Barangay Mario Simbulan, Kagawad Ma. Christina Zara, Brgy. 608, Zone 61 executive officer Isagani Darilay at John Mark Naguera, dating tanod.
Nauna nang inamin nina Darilay at Naguera na gumamit sila ng mga pekeng identification (ID) at nagpanggap na mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) kaya nakakuha sila ng tig-₱4,000 ayuda.
Bago ang pag-aresto, nagreklamo saManila Social Development Officeang dalawa sa mga benepisyaryo dahil hindi umano sila nakakuha ng ayuda nang i-claim na ito nina Darilay at Naguera.
Kasabwat umano ng dalawa sina Simbulan at Zara, ayon kay Ibay.
Nahaharap na ang mga ito sa kasong malversation of public funds at falsification of documents.