Nais ni Iloilo First District Representative Janette Garin na ‘wag nang singilin ang P300 “yellow card” o ang International Certificate of Vaccination mula sa Bureau of Quarantine para sa mga Pilipinong lilipad sa ibang bansa.
Ani ni Garin sa nitong Biyernes, Agosto 27, sa House Committee on Information and Communications Technology, hindi raw etikal ang pagpataw ng bayad sa nasabing card.
“Pandemic po ngayon. Many people are losing jobs. We have a lot of expenses, PCR testing, mga quarantine [facilities] na minsan di naman libre Can this committee and other colleagues move to do away with the P300?” tanong ni Garin sa Komite.
Maari umanong kunin ang pondo ng operational costs sa budget ng BOQ.
“Congres should lobby for that. We owe it to our OFWs,”ani ni Garin.
Sinuportahan naman ng ilang mambabatas ang panukalang ito ni Garin.
Ginagamit ang BOQ-issued yellow card bilang patunay na bakunado na ang mga Pilipinong babyahe abroad.
Noreen Jazul